Badtrip Photo Op For The Day:

Badtrip Photo Op For The Day:
Magwala tayo.

9.02.2010

DAPAT KASI KUMUHA KA NALANG NG TRANSLATOR. TANGA.





yes. in your twenty-two years of existence, you have never made a major mistake. just now.


hindi naging maganda ang pagdating nitong buwan ng agosto para sa mga pilipino. pagtapos nating mapahiya sa buong mundo dahil sa putanginang hostage-taking (na hanggang ngayon ay masakit pa din sa ulo kung ating babalikan), isang malaking kahihiyan din ang nangyaring MAJOR-MAJOR na pagkakamali ni Venus Raj sa nakaraang Miss Universe Pageant 2010. naturingan pa man ding buwan ng wika ang agosto, bakit pa kasi kelangang gumamit ng dilang banyaga. yung nanalo nga na miss universe ni hindi marunong mag english e. kaya nga may tinaguriang TRANSLATOR sa mga ganung patimpalak. para maipahayag mo ng malaya ang sarili sa sarili mong wika. putang ina talaga. masyado na tayong pinagkakatuwaan ng mga putanginang banyaga. tama na.

kaya para gumaan pakiramdam nating lahat, panoorin nalang natin to.



PUTANG INA TALAGA.

8.31.2010

BADTRIP KA DIN DIBA? TARA DITO.




isigaw mo lang pare. para sa lahat ng galit sa mundo. para sa inyo tong walang kwentang blog na to. padala nalang kayo ng topic o post sa email ko, o kaya hagilapin nyo ko sa bahay namin, kung alin mas madali. bahala na si batman. at para sa mga talagang hindi na kaya...




tandaan nyo lang na pag tapos na ang lahat, matatawa lang din kayo sa mga sarili nyo kasi makikita nyo lahat ng katangahang ginawa nyo. at baka sakaling lalo lang kayong mabadtrip pag di sinasadyang naibagsak nyo pala yung bago nyong ipad nung nagwawala kayo. tang inang yan. 

Tikim na nga lang, minalas pa.

Kagabi. Pag uwi ko galing sa bayan ng mga haragan, natulog ako.

at gaya ng normal na palamunin, pagkagising ko ay naghanap ako ng pagkain. swerte. dumating na si tita, may dalang ulam. wow. lechon kawali. masarap sana, kaso takot na kong mahighblood. *pinakakorning pagkamatay para sakin ang mamatay sa stroke* kaya tumikim lang ako.

pagkatapos kumain, as usual, namburaot ako kay ermats ng yosi, tapos bumalik na sa kwarto at humilata ulit sa kama. nang biglang...

... oo. tama. nasira ang tyan ko. walong beses akong pabalik-balik sa banyo magdamag. buti nalang may stock na hydrite at joyful water si ermats. buti nalang.


hanggang dito nalang muna. putang ina, wala na kong maisip. gagawa muna ako ng thesis.